“There is a powerful tension in our relationship to technology. We are excited by egalitarianism and anonymity, but we constantly fight for our identity.” --- David Owen, American painter.
Sat
Nov
29
I enjoyed the taxi ride. You’re not the usual taxi guy. On your early twenties. Fresh out of college. Your skin is fair. Except for that little blister in your hand. I asked. You said, you accidentally hit on the radiator. Your eyes, they are cute. Your smile, great. Your face, unusually soft and attractive. Your voice, there’s something in it that makes me giggle. Perhaps, you’re not really a taxi guy. Moonlighting perhaps. You gave your name. Its sounds sweet. Good. You gave your number. It’s my turn then.
Thu
Nov
27
Do not mess with me. This round is yours. Be happy for the meantime. I will make sure that your life will be a living hell with me around. I will make sure that you will regret the day that you tried to interfere with my way of doing things. I will make sure of that. Someday, somehow. I will. You’re warned.
Tue
Nov
25
Galing ako ng Starbucks-Katipunan. Daming Atenista. Ang cute nila, mapa-babae o lalaki man. Pero ang planner this year, ang pangit pala talaga. Pero maganda yung bolpen. Nawala ang paborito kong peppermint mocha. Di naman masarap yung dark cherry thingy. Buti na lang, yung barista, kapeng barako. Sarap.
Sun
Nov
23
Narealize kong bigla na istudyante pala ako. Na kahit papaano ay kailangan kong mag-aral. Second semester na. Hindi pa rin ako nakakabuwelo. Nakakatamad kasi. Kung hindi lang diploma ang nagpapatakbo ng buhay. Sana hindi ko na problema. May talent naman ako. May ganda. May kabataan. Bakit pa kasi kailangan iyang diploma. Samantalang puro cute lang naman ang nasa kolehiyo ko. Paano ka naman makakapag-aral niyan.
Thu
Nov
20
Walang magawa. Walang anda. Walang gala. Pero merong internet. Merong babasahin. Merong kalibugan. Merong mga pupuntahan. Madami. Iba’t ibang kulay, hugis at talsik. Iba’t ibang bentahe pero iisang kuryente. Hazard.
Wed
Nov
19
Masakit ang lalamunan ko. Mahapdi. Hindi naman makati, hindi rin ako inuubo. Basta masakit lang siya. Parang may gasgas. Ininuman ko na ng maraming tubig, hindi naalis. Hindi ko alam kung bakit. Naka-antibiotic naman ako. Hindi kaya sobrang antibiotic, natuyo na ang mucuous sa lalamunan ko. Hindi kaya dahil sa anaesthesia na itinurok sa akin at nalulon ko. Baka naman may ibang dahilan. Tigang kaya ang lalamunan ko.
Mon
Nov
17
Airconditioned ang sinehan, sobrang lamig. Dolby digital sorround, dumadagundong. Mainit-init ang popcorn at may kalamigan ang soda can. Nakaupo na ako. Bakbakan. Barilan. Habulan. Lokohan. Takbuhan. Witty lines. Smart lines. Kagandang babae. Bruskong Bond. Malibog na heneral. Doble karang environmental activist. Malihim na ahensya ng gubyerno. High tech na gadgets. Pero parang may kulang. Mas maganda pa ding sa casino na lang kaysa sa disyerto. Buti na lang, sapat na ang katabi ko.
Sat
Nov
15
Dumaan na naman sa kamay ang kwarta. Nasaid na naman ang laman ng aking ATM. Kaunting grocery. Ilang magazine. Isang t-shirt. Isang cell card. Isang kain sa restoran. Pang-taxi. Uwi na. Wala nang panahon sa sale. Kesehodang midnight sale pa. Tingin na lang sa aquarium. Tingin na lang sa paligid. Wala nang libre. Wala na. Wala na nga.
Thu
Nov
13
Walang tuwid na hindi puwedeng baluktutin. Tamang timpla, tamang panahon at tamang init lang. Ang straight bibigay din. Sipag at tiyaga lang, mapagtatagumpayan. Kapag bumaluktot, pwedeng bumalik sa pagiging straight. Pero at least, may fighting chance. May pangako. May pag-asa. May pagkakataong ang tuwid ay bumaluktot. Nagtagumpay ka. Napaligaya ka. Lumigaya ka. Just once. Pwede na rin.
Tue
Nov
11
Nagpakapagod. Nagpakapuyat. Nakialam. Nakisawsaw. Nakisali. Nakibasag-ulo. Nakitaya. Nag-ambag. Pero dahil anonimus ka, wala ka rin sa radar nila. Sinadya yata. Pero sana honest mistake lang. Nakakawalang gana tuloy. Kanya-kanya na lang.